Sunday, September 7, 2008

Pakikipagsapalaran

Ang ating buhay ay isang walang hanggang pakikipagsapalaran. Simula ng tayo'y isilang, nasa ating mga kamay nasa ating mga kamay ang mga nangyayari sa ating buhay. Ikaw ang driver ng iyong sasakyan. Ikaw ang gumagawa ng ikabubuti o ikasasama ng iyong kalagayan. Ang bawat desisyon na iyong binibitawan ay ikaw ang may kapangyarihan. Wala kang dapat sisihin sa lugar ng iyong kinasadlakan. Kailangang wag sumuko sa hamon ng buhay.
Sa isang tulad ko na laki sa hirap, ang bawat pagsubok na dumadating sa aking buhay ay nag sisilbing daan upang paunlarin k0o ang aking sarili.
Hindi kailangang maging hadlang ang kahirapan upang hindi ko makamit ang aking mgapangarap. Akala ko dati hanggang high school lang ako, hindi pala! Dahil sa pagnanais ko pang makapagpatuloy sa kolehiyo, sinubukan kong mag aply sa scholarship. Isang magandang balita ang aking narinig ng ako'y makapasa sa scholarship na aking hinahangad.
Sa pagiging common first year sa CLSU, ay naging mabunga. Naging College Scholar sa first semester at University Scholar sa second semester. Laking tuwa ko sa nasabing karangalang hindi ko malilimutan.


Try and try until you succeed!!

You have the power to choose!!

"Life is a Journey"